Nung musmos palang ako everytime na may pupuntahan kami, sasakay ng tricycle o bus o jeep basta kahit anong sasakyan. Pumepwesto lagi ako malapit sa bintana para tingnan ang mga dinaraanan ng aming sinasakyan. Enjoy na enjoy ako sa mga nakikita ko sa daan, mga tao, bahay, sasakyan, mga puno, bundok at lahat ng pedeng mkita habang tumatakbo ang sinasyan nmin. Un ung panahon na nabuo ang pangarap ko na puntahan ang gusto kong lugar, makita ganda ng paligid pero ngayon umedad na ako ako. Nabibilang ko lang sa mga daliri ko ang mga lugar na napuntahan ko na. Sabi ko dati sa sarili ko pag nagkawork na ako mapupuntahan ko na mga gusto ko pero di nangyari dahil sa kapos sa pera, tama lang sinasahod ko para sa pang araw araw dati at minsan kulang pa. Ngayon naman na may sapat na pera na ako time naman ang wala ako. Iniisip ko nalang na baka di talaga ako para dun. Sana dumating ang time na parehas meron ako.
No comments:
Post a Comment